1. Ibalik ang Dignidad ng Blogging

    Malaki ang pinagkaiba ng tradisyunal na blogging sa web 2.0 microblogging.

    I won’t go as far as saying that Tumblr is not a real blog because, as a matter of fact, it is.

    Tangina, nahihirapan akong mag-isip. Inaantok na ako. Pero kelangan kong mailabas ang nasa isip ko bago pa ako tamarin.

    Anyway, mabalik ako. Malaki ang pinagkaiba ng tradisyunal na pagboblog at Tumblr.

    Kumbaga parang photography lang iyan. Film is to digital as traditional blogging is to Tumblr.

    At iyan. Tinamad na nga akong magpaliwanag nang maayos. Alangya.

    Kaya bababuyin ko na lang. Kapag pakiramdam mo, minumura kita sa mga sumusunod na talata, feeling ka. Pero oo, minumura nga kita kasi feeling ka.

    Nais ko lang maipahiwatig sana na hinahanap-hanap ko at ng aking mga kasama ang dating yabong ng blogosperiya. Yung bawat titik, pinag-iisipan, pinagtutuunan ng panahon, hindi basta-bastang binibitawan.

    Dati-rati, tuwing magbabasa ka ng blog entry, mapapaisip ka at pagkaminsa’y matatanga. Ngayon, hahanap ka ng banyo para magsalsal kasi nagpost ng bagong hubad na litrato yung online friend mo.

    Magiging pranka na ako. Sabaw karamihan ang mga tao rito sa Tumblr. Karamiha’y narsisistiko — walang alam kundi maglabas ng mga litrato ng sariling parang nang-aakit ng mga malilibog, magpataas ng ego, magpalaki ng ulo.

    Tapos mang-aaway ng mga taong kanilang kinaiinggitan dahil pakiramdam nila’y mas sumisikat ang mga ito kesa sa kanila. Tumblr famous ampotah. Maiibsan ba ng kasikatan sa Tumblr ang kalam ng tiyan mo? Paglaki lang ng ulo mo ang kayang busugin niyan. Iyon ay kung may kabusugan ka.

    Anong alam mo sa pisikal na gutom? Anak mayaman ka. May pambili ka nga ng drugs na ipinagmamayabang mo online eh.

    Di pa pala kita namumura noh? Feeling ka. Putangina ka.

    Oh, magpagulong-gulong ka na sa Robo.to mo. Minura ka ng ~*sikat*~ na si BenTambling.

    Teh shit.

    Sa totoo lang, medyo naaasiwa ako tuwing nasasabihan ako na naghahakot ako ng mga tagasunod dito sa Tumblr. Potangina lang, please. Oo, may mga pagkakataong naaakit din ako sa kaululang iyon.

    Pero, lagi ko namang napagtatantong di ko naman kailangan ang ganung kababawan sa buhay. (Pero, nanghuhunting din ako ng chicks sa mga follower ko kaya may gamit din siya sakin actually. Sana lang tantanan na ako ng mga under 18 para mas dumali ang paghahanap ko.)

    Gutom ang utak ko. Gusto kong makabasa muli ng mga blog na humahamon sa sentido kumon.

    Bihira sa Tumblr iyon. Binigyan ko ng limit ang sarili ko na hanggang limampung Tumblog lang ang susundan ko dito. Hanggang ngayon, di ko pa naaabot ang numerong iyan. 42 lang sa kasalukuyan ang aking tinatangkilik (mga sampu ata dun, nifollow ko kasi chicks).

    Nag-iinarte ba ako? Hindi naman siguro. Dismayado lang ako sa kalidad ng pagsusulat na nababasa ko ngayong mga nakaraang buwan.

    Pero, mistulang may liwanag sa dilim (Fuck yeah! Bakla si Rico Blanco!). Kasulukuyang pinipilit ng ilan sa mga kasamahan ko ang mga nagsiretirong blogger na magbalik-loob. Nang malaman ko iyon, tumigas titi ko, este tumalon ang puso ko.

    Masyado ko bang siniseryoso ang blogging? Hindi noh. Wala nga akong kinikita rito eh.

    Gusto ko lang na may katuturan naman yung pinupuntahan ng isanglibong pisong binabayad namin kada buwan para sa 1Mbps supah supah speed.

    Hangad ko lang na makabasa ng mga TOTOONG kwento ng buhay.

    Natural lang siguro akong chismoso. Ganun. Saka, panay kalyo na nga kasi ang mga palad ko.